Intervention
Postcolonialism and Filipino Poetics: A Brief and Late Review

One of the major difficulties of being a U.S.-based scholar working in Filipino is having access to texts that are only distributed in the Philippines. So it was with enormous joy that I discovered J. Neil Garcia’s Postcolonialism and Filipino Poetics available digitally on Amazon.

Published in 2004, Garcia’s work has important ramifications beyond the boundaries of the Philippines, especially for scholars interested in the use of postcolonial theory from the perspective of a theorist and as applied to texts that are situated outside normative settings of academic circulation.


Ang isang matinding kahirapan ng pagiging skolar sa Amerika na nagsusulat tungkol sa panitikang Filipino ay ang paghahanap ng mga aklat na sa Pilipinas lamang puwedeng makuha. Kaya talagang nasiyahan ako nang nakita ko na ang Postcolonialism and Filipino Poetics ay puwedeng bilihin sa Amazon. Nilathala noong 2004, ang gawa ni Garica ay merong mahalagang maibibigay din sa labas ng Pilipinas, lalo na para sa mga skolar na gustong tignan ang paggagamit ng teoryang postkolonyal galing sa paningin ng isang teorista at tungkol sa mga gawang nasa labas ng karaniwang sirkulasyon ng gawang akademik.


Garcia’s most vital deployment of theory is his aggressive critique of an essentialist poetics of nationalism that pervades the critical work of Virgilio Almario in Tagalog and Gemino Abad in English, two of the most revered figures in Philippine literature, both as poets and as critics. Garcia is particularly critical of Almario and his Balagtisismo Versus Modernismo, a literary history of Tagalog poetry in the 20th century that espouses what Garcia describes as a “nativist” poetics, one that unquestioningly affirms the myth of the nation at the exclusion of other orientations. Garcia writes: “The official Filipino nationalism Almario ritually invokesprecisely because it is the dominant form of Filipino nationalismis responsible for the marginalization of so many Tagalog cultures, languages, and communities in the Philippines.”


Ang pinakamahalagang paggamit ni Garcia ng teorya ay ang kanyang agresibong paglaban sa esensyalistang katulaan ng nasyonalismo na kaugnay sa gawang kritikal nina Virgilio Almario sa Tagalog at Gemino Abad sa Ingles, dalawa sa pinakakilala sa panitikang Filipino, makata man o kritiko. Pinakakritikal si Garcia kay Almario at ang kanyang Balagtisismo Versus Modernismo, isang kasaysayang pampanitikan ng panulaang Tagalog sa ika-20 siglo na nagpapairal ng tawag ni Garcia na katulaang “natibista,” isang katulaan na walang malay na tinataguyod ang mitolohiya ng bansa at hindi isinasama ang ibang mga posisyon. Sulat ni Garcia: “Ang opisyal na nasyonalismong Filipino na tinataguyod ni Almariodahil nga ito ang dominanteng uri ng nasyonalismong Filipinoay responsable para sa pagsasagilid ng napakaraming kulturang Tagalog, wika, at komunidad sa Pilipinas.”


This critique of nationalism, and its accompanying affirmation of hybridity according to Homi Bhabha’s model, is an important one for questioning both a unitary national identity in a nation whose territorial integrity was itself defined by colonial forces, as well as the nation as the obligatory site of loyalty and identification. Garcia’s own identification as a gay writer and poet situates and informs this perspective, as he finds his own production marginalized in the context of a dominant Philippine poetics deeply entwined with nationalism.


Ang kritisismo ng nasyonalismo, at ang kasama niyang paninindigan para sa kahaluan sang- ayon sa modelo ni Homi Bhabha, ay mahalaga para sa pangunusisa tungkol sa katangi-tanging pambansang pagkakalinlanan kung ang kabuuan ng teritoryo ay ginawa ng puwersang kolonyal, at tsaka ang bansa bilang sapilitang ubligadong lugar ng katapatan at pagkakakilanlan. Ang pagkakakilanlan naman ni Garcia bilang “gay” na manunulat at makata ay nagpoposisyon at nagbibigay-halaga sa kanyang pananaw, dahil nakikita niya na ang kanyang mga gawa ay isinasagilid sa konteksto ng isang nanginigbabaw na Filipinong katulaang matalik na kaugnay ang nasyonalismo.


However, it is equally vital to note that Garcia’s depiction of Almario’s critical production as failure risks the same binary and oppositional logic that he himself identifies as Almario’s key critical fault. A form of this is his devaluation of Almario’s particular contributions to the hybridity that Almario may not espouse in the terms that Garcia wishes, but is certainly apparent both in his critical and poetic production. If Almario is antipathetic to “corrupted” forms of language such as Taglish or swardspeak (a form of Tagalog spoken by gays in the Philippines), he was also a primary proponent for the use of creolized and amalgamated words in Tagalog poetry. If he espouses an unquestioned nationalism, it is also clear that many of his poems speak to concerns that go beyond the nation, most notably to class and forced migration. If it’s important to note certain of Almario’s critical positions promotes a unitary nativism, then it seems to me equally important to acknowledge contributions that do not conform to this singular depiction.


Subalit mahalaga ring sabihin na ang paningin ni Garcia tungkol sa kritisismo ni Almario bilang kabiguan ay nanganganib ding gumawa ng lohikang binaryo at oposisyonal na sinasabi niya na mismong pinakamatinding kakulangan ni Almario. Isang uri nito ay ang kanyang hindi pagpuna sa mga kontribusyon ni Almario sa kahaluan na kahit hindi man nito binabanggit sang ayon sa kagustuhan ni Garcia, ay kitang-kita naman sa tula at kritisismo nito. Kung hindi gusto ni Almario ang mga “halo-halong” uri ng wika kagaya ng Taglish at swardspeak, siya rin ang pangunahing tagasulong para sa paggamit ng kinreole at pinaghalo-halong salita sa panulaang Tagalog. Kung ipinahahayag niya ang nasyonalismong walang pag-aalinlangan, malinaw din na marami siyang tulang tumatalakay sa bagay na mas malaki kaysa sa bansa lamang, kagaya ng kahirapan at pangdarayuhan. Kung mahalagang sabihin na meron si Almariong posisyong kritikal na nagtataguyod ng kaisa-isang natibismo, mahalaga rin na punahin ang mga kontribusyon na hindi kumukumporma sa tanging panglalarawang ito.


Such an acknowledgment is all the more important given Garcia’s anti-binarism, because what ends up accompanying the breakdown of the native/foreign dichotomy in Postcolonialism and Filipino Poetics is the construction of the pure/hybrid dichotomy, with Almario and Abad occupying one side and Garcia the other. Garcia’s own dualism shows up not only in rhetoric that consistently borders on insult, but also in his own complication of the essential/constructed dichotomy in relation to his own poetic position with regards to gay identification. Garcia invokes Gayatri Spivak’s “strategic essentialism” as a way of explaining how he can simultaneously believe that being gay is not a choice as a matter of maintaining a personal sense of self and also that homosexuality as a historical phenomenon is socially constructed.


Ang pagpunang ito ay napakahalaga kung tutuusin na ayaw ni Garcia ang binarismo, sapagkat ang sa huling sumasama sa pagsisira ng dikotomiyang natibo/dayuhan sa Postcolonialism and Filipino Poetics ay ang pagtatayo ng dikotomiyang puro/halo, kung saan si Almario at Abad ay nasa isang panig at si Garcia ang nasa kabila. Makikita ang dualismo ni Garcia hindi lamang sa retorikang laging namimintas, pero din sa kanya mismong komplikasyon ng dikotomiyang esensiyal/gawa kaugnay sa kanyang posisyon bilang gay na makata. Ginagamit ni Garcia ang “strategic essentialism” [estratehikong esensyalismo] ni Gayatri Spivak bilang paraan sa pagpapaliwanag ng kanyang magkasabay na paniniwala na ang kanyang pagiging gay ay hindi niya pinili dahil kailangan niya ito para sa paningin ng kanyang sarili, at saka ang paniniwala na ang homoseksualidad bilang penomenohiya ng kasaysayan ay gawa ng lipunan.


Garcia seems unable to allow Almario the same latitude, despite undoubtedly being aware that Almario’s own formation as a poet and critic has been highly informed by the legacy of American colonialism, and that the myth of a unified Filipino nation must be juxtaposed with that history. A method for addressing Almario’s reliance on the trope of nationalism without constructing new dualities has to take contingencies like these into account.


Mukhang hindi kayang bigyan ni Garcia si Almario ng kaparehong kalayaan, kahit na siguradong alam niya na ang pormasyon ni Almario bilang kritiko at makata ay naging malaking gawa ng alaala ng kolonyalismong Amerikano, at ang katha ng kaisa-isang bansang Filipino ay dapat itapat sa kasaysayang iyan. Isang paraan sa pagtugon sa pagtitiwala ni Almario sa tropo ng nasyonalismo habang hindi gumagawa ng ibang dualismo ay kailangang punahin ang mga pangyayaring kagaya nito.


Thinking about what a non-oppositional critique of nativist poetics would look like, I come to a number of provisional strategies. The first is to fully acknowledge the importance of national integrity as an anti-colonial, nation-building project in a Philippine context, one that is highly implicated in attempts to construct the kind of unified poetics that Almario has historically espoused. The second is to admit that nationalism still operates at present due to various factors, not all of them having to do with the internal acquisition of power, such as the continued operation of a national system both economically and politically in a transnational context, and the continued disadvantaging of certain territories because of that system.


Kung pag-iispan ko kung ano ang itsura ng isang kritisismo ng katulaang natibista na hindi oposisyonal, puwede akong magbigay ng ilang probisyonal na paraan. Una ay ang hustong pagpuna sa kahalagahan ng kabuuan ng bansa para sa proyektong antikolonyal at pagagawa ng bansa sa Pilipinas, isang ideolohiya na kasama sa paggawa ng nag-iisang katulaan na matagal nang ipinapahayag ni Almario. Ang pangalawa ay ang pag-aamin na ang nasyonalismo ay mahalaga pa rin ngayon dahil sa iba’t ibang nangyayari, at hindi lahat ay kasama ang pagsakop ng kapangyarihan sa loob ng bansa, kagaya ng patuloy na pagpapatakbo ng sistemang nasyonal sa larangan ng ekonomiya at politika sa kontekstong transnasyonal, at na ang piling teritoryo ay patuloy na nadadaya dahil sa sistemang ito.


It may be that once these realities are acknowledged that a critic can expand upon the exclusions brought about by a purely nativist ideology, and arenas in which attention can be devoted to concerns that fall outside the framework of the nation. These acknowledgments allow for a critic attentive to these exclusions to justifiably argue that a strictly national model of poetics is not as relevant as it used to be, and runs the risk of effacing poetics that do not rely on the centrality of a national identity. Such a strategy thus allows for the inclusion that Garcia calls for without necessitating opposition.


Posible na pagkatapos aminin ang mga katotohanang ito, ang kritik ay puwede nang ipahayag ang iba’t ibang pagsasagilid na nangyayari dahil sa ideolohiyang natibista, at mga paksa na dapat nating bigyang pansin kahit na nasa labas ito ng pag-iisip tungkol sa bansa. Ang mga pag-aaming ito ang magbibigay sa kritik na gustong ipahayag ang ibang paksa ng kapangyarihan para ipagtanggol na ang modelong striktong nasyonalista ng katulaan ay hindi na kasing mahalaga ngayon kaysa sa nakalipas na panahon, at baka takpan ang mga katulaang hindi umaasa sa kahalagahan ng pambansang pagkakakilanlan. Gamit ang paraang ito, puwedeng ipagtanggol ni Garcia ang pagsasama-sama habang hindi naman gumagawa ng oposisyon.


Postcolonialism in Filipino Poetics demonstrates that if the breakdown of binaries continues to hold sway as a critical method, it is partly due to the difficulty in avoiding their creation, including for critics like Garcia who are averse to them. He claims in his introduction that he does not relish the task of critique because the literary scene in the Philippines isn’t “big-hearted” enough “to accommodate sustained, earnest, and ‘serious’ critical engagements.” He goes on to write: “[I]t is the paucity of such engagements that provides incontrovertible proof... of the helplessly ‘insular’ and ‘prelimenary’ character of our literature and culture, as a whole. It goes without saying that in the absence of a critical tradition, any claims of a national literary tradition can only be mystical-sounding, delusional, and, as demonstrated in the perorations of certain polemically inclined critics, shamelessly self-congratulatory.”


Ipinapakita ng Postcolonialism in Filipino Poetics na kung ang pagsisira ng mga binaryo ay patuloy na nagiging mahalagang paraang kritikal, bahagi nito ay dahil sa kahirapan ng pag-iiwas sa kanyang pag-gagawa, kasama na ang mga kritik kagaya ni Garcia na hindi ito gusto. Sabi ni Garcia sa kanyang panimula na ang situwasyong pampanitikan sa Pilipinas ay hindi hustong “mapagbigay... para matanggap ang kritisismong nananatili, masigasig, at ‘seryoso’.” Sabi rin niya: “Ang kakulangan ng kritisismong kagaya nito ang nagbibigay ng hindi malalabanang patunay... ng kahinahinang ‘pagkahiwalay’ at ‘preliminaryong’ kalidad ng ating panitikan at buong kultura. Hindi na natin kailangang sabihin na sa kawalan ng tradisyong kritikal, anumang pahayag ng pambansang tradisyong pampanitikan ay maaari lamang maging misteryong pakinggan, baliw, at, sa pagsisiwalat ng mga konklusyon ng ilang kritik na mahilig sa polemika, walanghiyang nagmamalaki lamang sa sarili.”



It’s important to note that a Philippine critical tradition undoubtedly exists, and it seems disingenuous to claim its absence on the basis of a critic’s own judgment. Moreover, Garcia’s rhetoric seems not only to engage in but also invite opposition. It’s also notable that the literary establishment Garcia critiques continues to support him. Hs book was published by the University of the Philippines and he continues to hold a professorship at that institution where Abad and Almario also teach, indicating that this establishment has been able to accommodate Garcia’s critical stance despite his suspicions.


Kailangang punahin nawalang dudang mayroong tradisyong kritikal sa Pilipinas, at medyo alanganin kung sasabihin ni Garcia na wala nito dahil lamang sa kanyang sariling paghusga. At saka ang retorika ni Garcia ay hindi lamang gumagawa pero parang nang-iimbita pa ng oposisyon. Dapat ding punahin na ang establisamentong pampanitikang pinipintasan ni Garcia ay tumutuloy na sumusuporta sa kanya. Ang libro niya ay inilathala ng Unibersidad ng Pilipinas at patuloy pa rin siyang propesor sa institusyong iyon kung saan din nagtuturo si Almario at Abad, isang hiwatig na natatanggap naman ng establisamento ang kanyang posisyon kahit na siya ay may duda.


Nevertheless, I believe that serious criticism does not necessarily entail the oppositional logic that Garcia engages in even as he objects to its use by others. I hope in this short review to have laid out possible strategies for such a criticism, and to engage in this form myself in my assessment of Garcia’s work. Postcolonialism and Filipino Poetics is undoubtedly an important book not just in allowing the Philippine academy to contend with postcolonial theory on its own terms, but from a broader perspective, as a demonstration of how that theory can powerfully influence the literature and criticism of a former colony. But I believe that breaking down oppositional thinking also entails acknowledging one’s own critical debts, and being generous towards the contributions of others despite disagreement.


Gayunman, palagay ko na ang seryosong kritisismo ay hindi kailangang kasama ang lohikang oposisyonal na gamit ni Garcia kahit na hindi niya ito gusto sa iba. Inaasahan ko na naibibigay ng maikling artikulong ito ang ilang posibleng paraan para sa ganitong uri ng kritisismo, at na ginagamit ko rin ito sa aking pagsusuri ng aklat ni Garcia. Walang duda na ang Postcolonialism and Filipino Poetics ay isang napakahalagang libro hindi lamang para sa pagpapaisip sa akademyang Filipino ng teoryang postkolonyal gamit ang kanyang sariling halimbawa, pero sa mas malawak na tingin, para sa pagpapakita kung paano puwedeng impluensiyahin ng teoryang iyan ang kritisismo at panitikan ng isang dating kolonya. Ngunit palagay ko na ang pagtutol sa pag-iisip na oposisyonal ay dapat kasama ang pag-aamin sa mga utang na kritikal, at ang pagiging mapagbigay tungkol sa mga kontribusyon ng iba kahit man mayroong pinagaawayan.

My Colloquies are shareables: Curate personal collections of blog posts, book chapters, videos, and journal articles and share them with colleagues, students, and friends.

My Colloquies are open-ended: Develop a Colloquy into a course reader, use a Colloquy as a research guide, or invite participants to join you in a conversation around a Colloquy topic.

My Colloquies are evolving: Once you have created a Colloquy, you can continue adding to it as you browse Arcade.